Popular Posts

Friday, December 9, 2011

To my One and Only DAD!!

Dear Papa,

Its been 9 years mula ng mawala ka pero hinahanap ko parin yung mga yakap at paglalambing mo sa amin, yun lang naman sana ang wish ko this 20th birthday ko yung mayakap mo ulet ako kahit isang segundo lang, yung masasabe kong kahit sa huling pagkakataon mararamdaman kong may tatay parin ako. Alam kong mahirap yung gusto ko pero sa bawat taon na wala ka yun lang yung laging hiling ko na sana kahit sa panaginip mayakap kita ulet pero 2 years mo na kong hindi napupuntahan o nadadalaw man lang pero ito ako nagaantay parin sayo na kahit sa panaginip lang dalawin mo ulet ako, kahit alam kong this past few days dinadalaw mo si mama lalo na pag may problema xa. Mis na mis na kita papa kahit hindi naman halata. Minsan naiisip ko ano kayang buhay meron kame kung andito ka pa at kasama namin although hindi ko naman po ikinakahiya ung buhay na ibinigay ni mama samin ngaun ang sa akin lang ano kayang feeling na andito ka pa at gina-guide kame sa lahat ng mga hakbang na gagawin namin. Sobrang mis na mis na kita papa may mga times na umiiyak na lang ako kasi namimis na kita ng sobra. Alam ko darating ang panahon na minsan makakalimutan na kita pero mangyari man yon alam ko na mananatiling nasa puso at isip kita. I will never forget those memories with u papa, i will treasure it, at one day masasabi ko sa sarili ko na i have a wonderful dad like u na gagawin ang lahat mabuhay lang at mapag-aral kami. Gusto ko na manatili sa alaala ko lahat ng mga yon magkaron man ako ng sarili kong pamilya maikukuwento ko sa kanila na minsan may isang tao na handang magsakripisyo para sa amin na kahit hirap na hirap na xa sa sakit niya hindi niya magawang sumuko at bumitaw sa pag-asang gagaling xa para lang masubaybayang lumaki ang mga anak niya at mabigyan ito ng magandang buhay. Im so proud to have you as my DAD and im proud also to have MAMA as my mom. Im willing to wait maramdaman ko lang ulet ung init ng yakap mo sakin. I LOVE YOU SO MUCH PAPA. SEE YOU SOON.

Your Sanggol,

CHIC_CHIC.
chickie

No comments:

Post a Comment