Marami sa ating mga pilipino ang hindi gaanong naiintindihan kung ano ang salitang PAMILYA. Kung susumahin mo ito'y binubuo ng isang AMA, ng isang INA at ng mga ANAK na isa o dalawa o higit pa, pero ano ba ang tunay na kahulugan ng salitang PAMILYA? Ang PAMILYA ang pinakamahalagang parte ng buhay ng tao, dito nagsisimula ang PAGKAKAIBIGAN at PAGMAMAHALAN, ito ang unang pahina ng buhay ng tao. Ang PAMILYA ang nagbubuklod sa ating mga pilipino, nasa PAMILYA ang tunay na PAGMAMAHAL, pero marami sa ating mga pilipino ang hindi naniniwala dito BAKIT? kasi may ibang PAMILYA na ang alam lang gawin ng mga MAGULANG ay ang magaway at saktan ang mga ANAK hindi lamang sa PISIKAL kundi pati sa EMOSYONAL, kaya marami ang rebelde at humahanap ng matatawag na PAMILYA sa pamamagitan ng mga KAIBIGAN at ng ibang tao, natututong magbisyo at sa kalaunay sa pagaasawa ng maaga. Ang MAGULANG ? Ano nga ba ang silbi ng MAGULANG sa pamilya? sila ang tumatayong HALIGI at ILAW ng tahanan, sila ang poste ng PAMILYA, tungkulin nilang mahalin at ingatan ang kanilang mga SUPLING, turuan ng magandang asal at ipaintindi sa mga ito ang tunay na kahulugan ng buhay. Ang ANAK ? Ano ba ang silbi ng ANAK sa PAMILYA? sila ang nagsisilbing maliliit na poste ng PAMILYA , sila ang bunga ng PAGMAMAHALAN ng kanilang AMA at INA, hindi sila iniluwal upang maging pasakit lang, tungkulin nilang iparamdam sa kanilang mga MAGULANG ang PAGMAMAHAL at PANG-UNAWA, TUMULONG at ARUGAIN ang mga MAGULANG sa pagtanda. Pero sa panahon ngayon nasaan na nga ba ang PAMILYA? may PAMILYANG buo at nasa maayos, pero mas marami ang PAMILYANG wasak ng dahil sa kagagawan ng bawat isa, sa mga mabababaw ang pang-unawa, sa mga MAGULANG na pabaya at sa mga ANAK na nagrerebelde kahit ang mga MAGULANG ay nagkakandakuba mabuhay lamang sila. Ikaw naisip mo rin bang mas naglalaan ka ng oras para sa iyong mga KAIBIGAN at hindi sa iyong PAMILYA? mas mahalaga sa iyo ang iyong KAIBIGAN, mas sila nag iyong pinagtutuunan ng pansin samantalang may AMA at INA kang nagaantay sa iyong paguwi upang salubungin ka ng masaya at magandang ngiti, nagaantay na magkwento ka sa nangyari sayo sa buong maghapon, masama man o mabuti, mas nagreregalo ka sa iba, pero sa iyong AMA at INA, ni minsan ba niregaluhan mo sila, nasabihan mo ba silang " NAY, TAY SALAMAT ", NAY, TAY MAHAL KO KAYO! " nasasabi mo lang ang mga yan pag sila'y wala na at natabunan na ng putik sa lupa. Sabi nga nila "WALANG UNANG PAGSISISI". Bakit hindi ka mas maging malawak ang pang-unawa, kung may isandaang porsiyentong oras ka sa araw-araw, amg kalahati'y ilaan mo sa bahay, makipagkwentuhan ka sa iyong mga MAGULANG, alamin ang kanilang saloobin sa tuwing ikaw ay aalis papunta sa KAIBIGAN, makikita mo isang araw, hindi man ngayon, hindi bukas pero makikita mo, mas maraming oras na ang nailalaan mo sa PAMILYA, mas naging bukas ka na pagusapan ang mga bagay-bagay, mas nagiging malawak ang pang-unawa niyo sa isa't-isa, mas nagiging malalim ang PAGMAMAHAL niyo sa isa't-isa. Yan ang tunay na kahulugan ng PAMILYA, ang maging MAUNAWAIN at MAPAGMAHAL, kung minsan nararamdaman mong nagiisa ka, umuwi ka ng bahay at makikita mo na hindi ka nagiisa, kasi may AMA'T, INA kang nagmamahal sayo, iwanan ka man ng lahat, saktan ka man nila, pero may magiging kakampi ka sa oras na wala na ang lahat, may AMA at INA kang hindi ka iiwan at hindi ka sasaktan, sasamahan ka lang na maging MATATAG at kayang harapin ang BUKAS!!!
Popular Posts
-
My Childhood Crush….. The love of my life… Prologue… Nakadungaw ang dalagitang si Lauren sa bintana ng kanyang silid. Katulad ng ...
-
June 02, 2011 super excited ako dahil Cursillo na... its time to serve GOD!!! infact si bhest 3 pa lang ng hapon naligo na.. excited nar...
-
Verse 1 : Back when I was a child Before life removed all the innocence My father would lift me highAnd dance with my mother and me and t...
-
Marami sa ating mga pilipino ang hindi gaanong naiintindihan kung ano ang salitang PAMILYA. Kung susumahin mo ito'y binubuo ng isang A...
-
Hindi ko malilimutan ang mga panahong kasama namen c Papa,mga panahong kaysaya pero hindi na mauulit pa ! Sabi ni Mama ako daw ang "Da...
-
Dear Papa, Its been 9 years mula ng mawala ka pero hinahanap ko parin yung mga yakap at paglalambing mo sa amin, yun lang naman sana ang...
-
- Best Bonding Ever With my Childhood Barkada! Slideshow Slideshow : TripAdvisor™ TripWow ★ - Best Bonding Ever With my Childhood Barkada! S...
-
Given na ang mag-karoon ng "KAIBIGAN", kahit san ka mag-punta hindi pwedeng hindi ka maka-kakita, ang "KAIBIGAN" ang i...
-
Love build but also destroys.. Love is cute when its new but become beautiful when it last.. Bawat minuto, bawat segundo spend it to ...
-
- Nyssa Escarda Enero also known as Say ( sa tagalog ang pag-pronounce) is one of my TRUE FRIEND in short my "BESTFRIEND", a cha...
No comments:
Post a Comment