Hindi ko malilimutan ang mga panahong kasama namen c Papa,mga panahong kaysaya pero hindi na mauulit pa!
Sabi ni Mama ako daw ang "Dakilang Papa's girl" kasi once na magkasakit na raw ako hindi na siya nakakapasok,ayaw ko na raw kasi bumitaw sa kanya na siyang madalas ikinagagalit ng tito ko.Madalas na lagi raw sinasabe ni tito noon na "Doktor, ka ba at hindi ka na papasok pag nagkakasakit na yang anak mo! Ang sabi ni mama pag ganyang kinagagalitan na si papa ni tito hindi na raw ito sumasagot bagkus kibit balikat na lang daw c papa, lumaki daw kasi si papa na may respeto sa nakakatanda sa kanya na siya ring ipinamulat nia samin.Dala siguro ng pagiging istrikto niala lola at lolo lumaking istrikto rin si papa, madalas raw noon na ang tita tarcila ang paghigpitan niya nagiisang babae kasi ang tita kaya sobrang higpit niya kung ang lolo at lola raw eh may lusot ang tita kay papa raw ay wala, nalalaman daw kasi lahat ni papa ang mga kabulastugan ni tita na siyang lagi nilang pinagtatalunan hanggang sa pagtanda nila.
Second family kami ni papa, legal separated si papa kay nanay solly ( unang asawa niya ) kaya granted na magpakasal sila ni mama dalawang beses pa, isa sa huwes at isa sa simbahan.Napunta sa pangangalaga ni papa at ni mama ang mga anak ni papa sila Kuya Jonas at Ate Joana ang bunso naman na si Ate Juvie ay napunta sa nanay nila.Tatlong taon bago nagkaaanak sila mama at papa pero sunod-sunod naman sila Ate Dheng, Ate Nene at Ate Ana.Parehong nagtatrabaho sila mama at papa non, si mama sa opisina at si papa naman ay isang driver , dahil sa pagtatrabaho ni mama nakatapos si papa ng kursong Mechanical Engineering, anim na taon ang lumipas bago nasundan si Ate Ana ako na ang baby non ang "Dakilang Papa's Girl" sumunod sakin si coycoy at huli ay si remrem, anim kaming magkakapatid kay mama.Lumaki kaming close kay Kuya Jonas at Ate Joana except ke Ate Juvie na hindi namin nakasama.Kinamulatan namin ang pagiging istrikto ni papa at ni mama, marunong rumespeto sa nakakatanda at may takot sa Diyos.Kay papa ako natutong magluto kasi nung maliliit kami ang bonding namin ay ang pagluluto pag nagluluto kasi si papa isa-isa niya kaming kinakarga at tinuturan kung pano maghalo masarap kasi magluto si mama at papa na namana rin namin, hindi lang kami busog sa pagkain, busog rin kami sa pagmamahal mula sa kanila.
Taong 2002 ng malaking dagok ang dumating sa amin, naging masasakitin na si papa madalas inaatake siya sa puso, hindi na rin siya nakakapagtrabaho.Naranasan naming kumain ng kamoteng kahoy sa loob ng isang linggo sapat lang kasi ang kinkita ni mama pambili ng gamot ni papa ang sabi niya noon sa amin " makakain lang daw namin ang gusto naming kainin pag gumaling si papa".Mas naging istrikto si papa at magagalitin ipinaranas niya samin ang kamay na bakal ng mga panahong yon, madalas kasi wala si mama kaya kami ang naiiwan kay papa.
Isang pagsubok na naman ang dumating sa amin isinugod si papa sa EAST AVENUE, naiwan kaming lahat sa bahay na nagaalala 18 lang si Ate Dheng non siya ang panganay at siya ang naiwan sa amin.Alas dose ng hating gabi dumating sila Tita Beth kapatid ni mama sinusundo kami naitawag na pala ni mama ang nangyari sa kay papa.Dinala nila kami sa Laguna dun sa bahay nila dun muna daw kami habang nasa ospital pa sila mama. 3 weeks din ang itinigil nila mama sa ospital bago sila pumunta sa Laguna tinawagan pa nga nila kame ng araw na un sinorpresa pa kami nung dumating sila, payat na si papa paralisado rin yung kanang kamay nia sabe ni mama dala daw yun ng pagpasok ng tubo sa bituka ni papa na hindi niya nakayanan.Later on nadiskubre naming lahat na hindi basta Colon Cancer ang sakit ni papa nabarang daw ito at ang masakit pa kasamahan nila sa simbahan ang gumawa non natanggal naman ito ng albularyo na tumingin kay papa. April 28, 2002 birthday ni remrem tinreat kami ni Tita Thelma sa isang beach sa Naic Cavite kami nag-swimming si papa pa nga ang nagdrive pero nakaalalay naman si Tito Jun asawa ni Tita Beth,binilan pa nga kami ni tita non ng mga damit na iniyakan ni papa aniya" Alam niya raw na may magaaruga daw sa amin pag iniwan niya na kami!" biglang tumalikod non sila Tita Beth at Tita Thelma naiyak sila kay papa dahil sa awa, si mama naman sinaway si papa. Kasalukuyan kaming nageenjoy sa pagsu-swimming ng lapitan kami ni Tita Beth nagsuka raw kasi si papa at kelangan na naming umuwi. Nagtagal pa kami ng ilang araw sa Laguna bago nagpasiyang umuwi si papa pinabaunan pa nga kami nila tita ng budget namin, masaya kaming umuwi ng bahay ang hindi namin alam isa pang pagsubok ang dadanasin namin.
Buwan ng Agosto ng muling manghina si papa halos araw-araw na siya kung atakihin sa puso dahil dito mas lalo siyang naging magagalitin,lagi na siyang nakasigaw, konting kibot napapalo niya kami, kasabay ng pagdagundong ng kung anong bagay na nahawakan niya at ibinato.Lahat kami takot pero inintindi namin kasi yun ang bilin ni mama may sakit lang daw si papa kaya ganon, si mama lahat ginawa niya para matustusan yung mga gastusin namin nandiyang naglabandera siya,naglinis ng bahay ng kung sino-sino para lang ay maiuwi xang pera na pambili namin ng pagkain at gamot ni papa tiniis ni mama lahat para mabuhay kami, tumulong kami nagipon kami ng mga maaring ibenta sa junk shop ung baon namin ibinibili namin un ng tinapay para kay papa makabawas man lang sa suliranin ni mama.
August 26, 2002
Nang biglang nagdatingan sa bahay ang tatlong kapatid ni mama sila Tito Ric ang panganay, si Tita Thelma at Tita Beth kasama nila yung mga pinsan namin, marami silang dalang pagkain na kakasya ng isang buwan biglang nagsalita si papa " Ay salamat kuya, ate hindi na mahihirapan si Leth niyan!". Masaya si papa ng araw na yon hindi mo siya kakikitaan ng paghihirap sa mukha, maya-maya nagpabili si Tito Ric ng balot paborito daw kasi ito ni papa pero hindi niya na kinakain kasi bawal nga, "Nick halika at saluhan mo ko dito sa balot di ba paborito mo to! alok ni tito " sige kuya at baka hindi ko na matikman yan! nakangiting saad ni papa, hindi naituloy ni tito yung pagkain niya bagkus tumayo ito at tumalikod tahimik na umiyak malapit kasi si papa sa mga kapatid ni mama daig pa nila ang tunay na magkakapatid kaya hirap din sila na nagpapahiwatig si papa. Kinagabihan inutusan ako ni papa na dalhan sila Tatay Carding ng tatlong kilong bigas aniya mas maganda raw ang nagbibigay kesa sa ikaw ang binibigyan na tila sinamantala ng isa sa manugang ni Tatay Carding umakyat pa ito sa bahay at nanghihingi rin ng bigas " Ano ka ba naman Ada ako itong may sakit ako pa itong hinihingan niyo! bulyaw ni papa sa kanya sabya pasok naman ng Tita ko " Nick,Nick sabihin mo nga riyan ke nanay kunin ka na! "Lumayas ka dito Tarcila wag mo kong binubwisit! masakit para samin lalo na para kay mama na pinapatay na si papa ng kapatid niya to think na wala naman silang naitulong.
August 27,2002
Hindi alam ni mama kung bakit biglang nanghina si papa hindi na 'to makatayo kung hindi bubuhatin ni mama,mahirap pero kinaya ni mama mula sa pagpapaligo, pagpapakain kay papa ,pati sa pagdumi dad is the reason why mama remain to be strong, hindi niya pinapakita na nahihirapan siya all she wants to do is to serve papa well.
August 28,2002
Nasa kwarto kaming lahat nagtatawanan pinapasaya namin si papa nagpakarga siya saming lahat hinalikan kami at niyakap c Ate Nene ang last na nagbuhat kay papa kasabay ng paghingi ni papa ng tawad sa lahat ng nagawa nito sa kanya tango ang naging sagot ni ate kay papa bilang pagtanggap niya.
August 29,2002
Dumating si Father Ramon sa bahay kasama ni mama, sabe ni mama mangungumpisal daw si papa. Nagkulong sila sa kwarto kami naman nasa sala tahimik ingat na ingat gumawa ng ingay na makakaistorbo sa kanila tumagal ng halos apat na oras ang pangungumpisal ni papa lumabas si Father Ramon na namumula ang mata naging matalik na kaibigan kasi ito ni papa binasbasan niya kami ng holy water bago siya umalis.Nagkulong din sila mama sa kwarto nagrosaryo silang dalawa ni papa kasabay ng pagbabalik tanaw nung unang silang magkita, binulungan ni mama si papa " ddy ( short from Daddy ) magpahinga ka na, panatag na ko,wag mo kaming intindihin ng mga anak mo itataguyod ko sila para sayo!" mga katagang binitawan ni mama para kay papa. Alas siyete ng gabi inutusan ako ni mama na tawagin si Kuya Noel kaibigan ni papa " Pare ikaw ng bahala tumingin sa mag-iina ko!" Ano ka ba Pareng Nick hindi ka pa mawawala. Sandali at dadalin ka na min sa ospital! kasabay ng pagtalikod ni Kuya Noel ay ang pagsuka ni papa ng isang palangganang giniling na damo don namin nalaman na ibinalik ng bumarang kay papa ang sakit niya, inutusan ulit kami ni mama tawagin daw namin si Uncle Tito kaibigan din ni papa it took me and Ate Nene 30 minutes bago kami nakauwi, wala na si papa ng makauwi kami , ni hindi namin siya nakitang nalagutan ng hininga namatay siyang sumusunod kami sa utos nia! Hanggang sa huli pinakita ni mama ang pagmamahal niya kay papa si mama ang nagbuhat sa kanya pasakay ng stretcher pati ang pagpapaligo at pagbibihis kay papa pero ang hindi kinaya ni mama ay ang makitang inilalagay na si papa sa kabaong hinimatay si mama hindi niya kayang saksihan na wala na talaga si papa na hindi na talaga ito babalik.Hindi umiiyak si mama hanggang sa burol pero panay ang himatay niya ako ang laging nasa likod niya ng mga panahong yon ayaw ko siyang iwan kasi baka mapano si mama pinipilit niyang maging matatag dahil sa amin hanggang libing ni papa hindi parin umiiyak si mama nananataling malakas kahit kabiyak ng puso niya yung ililibing sa pagpanaw ni papa.
Namatay si papa ng hindi ko nasasabing mahal na mahal ko siya na walang makahihigit sa kanya . Mom and him is my idol, wen it comes to love that they showed us,the strenght that they build up and the power who remain!
To my One and Only Dad!!!
i love you so much papa! i know na hindi ko yon nasabi sayo nung nabubuhay ka pa pero mahal na mahal kita the only thing is for sure im proud to be your daughter, im proud that your my dad my one and only dad! gabayan niyo po kaming lahat esp.si mama i know that you love her so much!! i love you papa, see you soon!!!
Love,
Chic!
No comments:
Post a Comment