Popular Posts

Friday, December 9, 2011

KAIBIGAN

Given na ang mag-karoon ng "KAIBIGAN", kahit san ka mag-punta hindi pwedeng hindi ka maka-kakita, ang "KAIBIGAN" ang isang mahalagang parte sa buhay ng tao, kumbaga sa isang libro hindi maaaring mag-kulang ang pahina nito, ang "KAIBIGAN" lagi yang anjan hindi lang sa GIMIKAN, hindi lang sa KABULASTUGAN, nanjan yan para DUMAMAY at UMALALAY, higit sa lahat para SUMUPORTA, wala sa tagal at layo ng pinag-samahan, sa lalim ng pagkaka-kilanlan at higit sa lahat sa tatag ng samahan, ang "KAIBIGAN" nasa iba't-ibang parte yan ng mundo, walang mayaman at walang mahirap, makikita mo, mahahanap mo yan, sa iba't-ibang okasyon o lugar na pupuntahan, maaaring bukas, sa makalawa o sa susunod na mga araw, maraming darating at marami ding mawawala, may makakalimot at may pipiliting makalimot, pero naisip mo rin ba, " ano kayang buhay meron ka,kung wala ka ni isa mang KAIBIGANG meron ka??? hindi ba napaka-lungkot, walang katuturan at walang kasiyahan, walang away o bati na usapan,walang kaagaw at higit sa lahat walang karamay sa gitna ng kalungkutan,magkaiba man ng katayuan sa buhay, magkaiba man ng pananaw, magkaiba man ang ugali at itsura, gusto at hindi, ang masasabi ko lang " Lahat ng bagay pwedeng palitan, sa pag-ibig babae man o lalaki, o mga luho sa katawan, pero ang "PAGKAKAIBIGAN" kailanman hinding-hindi mo mapapalitan, hindi mo basta mahahanap kasi kahit kelan walang presyo ang "PAGKAKAIBIGAN" wala sa TINDAHAN, wala sa MALL, sa GIMIKAN, sa TIANGGE-an, o kahit saan pa man, nananatili kasi yan dito .... dito sa puso ng bawat taong nagmamahal, sa mga taong nakapaligid at laging naririyan sa bawat dagok at hirap na darating sa ating buhay, napakahalaga ng "PAGKAKAIBIGAN" kumbaga sa PAPEL masyado siyang patay kung walang KULAY, kumbaga sa PAGKAIN kapag hindi ka-partner ng CHAMPORADO ang TUYO walang LINAMNAM, sa PUTO at DINUGUAN, sa TOKWA at BABOY, at higit sa lahat sa KANING walang ULAM, kumabaga ang "PAGKAKAIBIGAN" kahit saan man dalhin ng agos ng buhay, nananatili at hindi magiiwanan dahil " WALANG MATIGAS NA TINAPAY SA MAIINIT NA KAPE " TAAMAAAAA!!!!!



ang emoterang writer bow!!! haha

No comments:

Post a Comment