Popular Posts

Friday, December 9, 2011

KAIBIGAN

Given na ang mag-karoon ng "KAIBIGAN", kahit san ka mag-punta hindi pwedeng hindi ka maka-kakita, ang "KAIBIGAN" ang isang mahalagang parte sa buhay ng tao, kumbaga sa isang libro hindi maaaring mag-kulang ang pahina nito, ang "KAIBIGAN" lagi yang anjan hindi lang sa GIMIKAN, hindi lang sa KABULASTUGAN, nanjan yan para DUMAMAY at UMALALAY, higit sa lahat para SUMUPORTA, wala sa tagal at layo ng pinag-samahan, sa lalim ng pagkaka-kilanlan at higit sa lahat sa tatag ng samahan, ang "KAIBIGAN" nasa iba't-ibang parte yan ng mundo, walang mayaman at walang mahirap, makikita mo, mahahanap mo yan, sa iba't-ibang okasyon o lugar na pupuntahan, maaaring bukas, sa makalawa o sa susunod na mga araw, maraming darating at marami ding mawawala, may makakalimot at may pipiliting makalimot, pero naisip mo rin ba, " ano kayang buhay meron ka,kung wala ka ni isa mang KAIBIGANG meron ka??? hindi ba napaka-lungkot, walang katuturan at walang kasiyahan, walang away o bati na usapan,walang kaagaw at higit sa lahat walang karamay sa gitna ng kalungkutan,magkaiba man ng katayuan sa buhay, magkaiba man ng pananaw, magkaiba man ang ugali at itsura, gusto at hindi, ang masasabi ko lang " Lahat ng bagay pwedeng palitan, sa pag-ibig babae man o lalaki, o mga luho sa katawan, pero ang "PAGKAKAIBIGAN" kailanman hinding-hindi mo mapapalitan, hindi mo basta mahahanap kasi kahit kelan walang presyo ang "PAGKAKAIBIGAN" wala sa TINDAHAN, wala sa MALL, sa GIMIKAN, sa TIANGGE-an, o kahit saan pa man, nananatili kasi yan dito .... dito sa puso ng bawat taong nagmamahal, sa mga taong nakapaligid at laging naririyan sa bawat dagok at hirap na darating sa ating buhay, napakahalaga ng "PAGKAKAIBIGAN" kumbaga sa PAPEL masyado siyang patay kung walang KULAY, kumbaga sa PAGKAIN kapag hindi ka-partner ng CHAMPORADO ang TUYO walang LINAMNAM, sa PUTO at DINUGUAN, sa TOKWA at BABOY, at higit sa lahat sa KANING walang ULAM, kumabaga ang "PAGKAKAIBIGAN" kahit saan man dalhin ng agos ng buhay, nananatili at hindi magiiwanan dahil " WALANG MATIGAS NA TINAPAY SA MAIINIT NA KAPE " TAAMAAAAA!!!!!



ang emoterang writer bow!!! haha

PAMILYA

Marami sa ating mga pilipino ang hindi gaanong naiintindihan kung ano ang salitang PAMILYA. Kung susumahin mo ito'y binubuo ng isang AMA, ng isang INA at ng mga ANAK na isa o dalawa o higit pa, pero ano ba ang tunay na kahulugan ng salitang PAMILYA? Ang PAMILYA ang pinakamahalagang parte ng buhay ng tao, dito nagsisimula ang PAGKAKAIBIGAN at PAGMAMAHALAN, ito ang unang pahina ng buhay ng tao. Ang PAMILYA ang nagbubuklod sa ating mga pilipino, nasa PAMILYA ang tunay na PAGMAMAHAL, pero marami sa ating mga pilipino ang hindi naniniwala dito BAKIT? kasi may ibang PAMILYA na ang alam lang gawin ng mga MAGULANG ay ang magaway at saktan ang mga ANAK hindi lamang sa PISIKAL kundi pati sa EMOSYONAL, kaya marami ang rebelde at humahanap ng matatawag na PAMILYA sa pamamagitan ng mga KAIBIGAN at ng ibang tao, natututong magbisyo at sa kalaunay sa pagaasawa ng maaga. Ang MAGULANG ? Ano nga ba ang silbi ng MAGULANG sa pamilya? sila ang tumatayong HALIGI at ILAW ng tahanan, sila ang poste ng PAMILYA, tungkulin nilang mahalin at ingatan ang kanilang mga SUPLING, turuan ng magandang asal at ipaintindi sa mga ito ang tunay na kahulugan ng buhay. Ang ANAK ? Ano ba ang silbi ng ANAK sa PAMILYA? sila ang nagsisilbing maliliit na poste ng PAMILYA , sila ang bunga ng PAGMAMAHALAN ng kanilang AMA at INA, hindi sila iniluwal upang maging pasakit lang, tungkulin nilang iparamdam sa kanilang mga MAGULANG ang PAGMAMAHAL at PANG-UNAWA, TUMULONG at ARUGAIN ang mga MAGULANG sa pagtanda. Pero sa panahon ngayon nasaan na nga ba ang PAMILYA? may PAMILYANG buo at nasa maayos, pero mas marami ang PAMILYANG wasak ng dahil sa kagagawan ng bawat isa, sa mga mabababaw ang pang-unawa, sa mga MAGULANG na pabaya at sa mga ANAK na nagrerebelde kahit ang mga MAGULANG ay nagkakandakuba mabuhay lamang sila. Ikaw naisip mo rin bang mas naglalaan ka ng oras para sa iyong mga KAIBIGAN at hindi sa iyong PAMILYA? mas mahalaga sa iyo ang iyong KAIBIGAN, mas sila nag iyong pinagtutuunan ng pansin samantalang may AMA at INA kang nagaantay sa iyong paguwi upang salubungin ka ng masaya at magandang ngiti, nagaantay na magkwento ka sa nangyari sayo sa buong maghapon, masama man o mabuti, mas nagreregalo ka sa iba, pero sa iyong AMA at INA, ni minsan ba niregaluhan mo sila, nasabihan mo ba silang " NAY, TAY SALAMAT ", NAY, TAY MAHAL KO KAYO! " nasasabi mo lang ang mga yan pag sila'y wala na at natabunan na ng putik sa lupa. Sabi nga nila "WALANG UNANG PAGSISISI". Bakit hindi ka mas maging malawak ang pang-unawa, kung may isandaang porsiyentong oras ka sa araw-araw, amg kalahati'y ilaan mo sa bahay, makipagkwentuhan ka sa iyong mga MAGULANG, alamin ang kanilang saloobin sa tuwing ikaw ay aalis papunta sa KAIBIGAN, makikita mo isang araw, hindi man ngayon, hindi bukas pero makikita mo, mas maraming oras na ang nailalaan mo sa PAMILYA, mas naging bukas ka na pagusapan ang mga bagay-bagay, mas nagiging malawak ang pang-unawa niyo sa isa't-isa, mas nagiging malalim ang PAGMAMAHAL niyo sa isa't-isa. Yan ang tunay na kahulugan ng PAMILYA, ang maging MAUNAWAIN at MAPAGMAHAL, kung minsan nararamdaman mong nagiisa ka, umuwi ka ng bahay at makikita mo na hindi ka nagiisa, kasi may AMA'T, INA kang nagmamahal sayo, iwanan ka man ng lahat, saktan ka man nila, pero may magiging kakampi ka sa oras na wala na ang lahat, may AMA at INA kang hindi ka iiwan at hindi ka sasaktan, sasamahan ka lang na maging MATATAG at kayang harapin ang BUKAS!!!

- For my BESTFRIENDS -

- Nyssa Escarda Enero also known as Say ( sa tagalog ang pag-pronounce) is one of my TRUE FRIEND in short my "BESTFRIEND", a charm and pretty as simple as that. As i remember 11 yrs. ago, puro pa kami bata non i think 6 or 7 yrs.old, away-bati kami, magkakampi pa nga yan sila ni CHARLIE ( c DUDAY ) haha! pero nung mag-matured kami na-realize namin, Bakit pa kami mag-aaway? Ano kami mga bata!!! minsan may mga mis-understanding kami, di na siguro maiiwasan yun were BESTFRIENDS for almost 11 yrs. turning 12 this coming November 22, 2010, shocks antagal na rin pala namin, pero mahal ko yan kahit hindi halata. I love the way she SMILE and she LAUGH. As i remember when we are in HIGH-SCHOOL, hindi talaga yan lumalabas, madalas ko ngang asarin yan " ui say naninilaw ka na, hindi ka na naaarawan!" tapos ngingiti lang yan ng pagkatamis-tamis ASARRRR! minsan nga di mo alam kung ano nasa isip niyan, kasi sobrang tahimik niyan, she loves kids, pare-parehas kami nila CHARLIE ( c DUDAY ). There's one secret about her na nakakatuwa. It was last year debut niya March 13, 2009 pero dahil regular days yun, she decide to move on March 14 that was Saturday, ito na ang saya na namin kasi nabuo ulit kaming tatlo, pumasok yan sa bahay nila, siguro mga 2 to 3 hours na kaming nagaantay ni CHARLIE (c DUDAY ) sa labas after we decided to go inside, hala ang lola mo andun sa kwarto iyak ng iyak, talagang were trying to stop her ayaw niya talaga, hindi mo kasi yan basta mapatigil except siya mismo yung kusang titigil sa kakaiyak, naku po! 30 minutes yang nagiiyak bago tumigil, pano feeling niya kasi hindi niya na birthday its unforgetable experience kasi at nakaka-embarass. Hindi talaga yan pala-kwento kung anong nakikita niyo yun talaga siya, mukha lang yang gala pero ang totoo pag inaya lang talaga mukhang mabait pero lukaret yan haha, maganda kasi kaya marami ang nag-aakala haha peace tayo bhest, pero kahit ganyan yan, ganyan na talaga yan, hindi mo na mababago yan, kung ano yung desisyon niyan its final, she's not any younger, matanda sakin yan ng ilang months ba? haha joke lang bhest, pero mahal ko yan, dahil kahit hindi na kami gaano nagkikita we still trying to be close pa rin, hi-tech na kaya panahon ngayon, dati puro sulat kami ngayon may cellphone at computer yessss........ nag-iimprove na kami tao na kami ay hindi pa pala kasi di pa kami nakaka-boto wala pa kaming silbi sa lipunan haha!!! pero bhest no matter what happen andito lang ako for you,if may problem ka basta wag lang pera dahil wala ako non, text ka lang or call ka lang, if you need someone to talk, im still here for you, dito lang pag kailangan mo, di ko kayo iiwan " I LOVE YOU "

- Charlotte Politano Sarmiento also known as DUDAY ( c CHARLIE yan ) ang aming eldest as pretty as you can see inside and outside. Yan ang babaing tahimik at makulit, siya yung lagi kong nakaka-away nung mga bata pa kami, bakit matanda na ba tayo?? haha !!! lagi niyang kakampi noon c NYSSA ( c SAY ) pinagtutulungan nga nila ako non eh huhu!!! peace tayo !!!! Yan yung mas madalas at lagi kong kasama kasi parehas kaming lukaret, 12 yrs. na silang mag- BESTFRIEND ni NYSSA ( c SAY ) mas nauna kasi sila turning 13 sila, Like niyang magsulat ng mga STORIES ( mga LOVE STORIES ) hilig niya kasing magbasa ng pocket book parehas kami niyan minsan naghihiraman na lang rin kami kaya tuloy pati si NYSSA ( c SAY ) nahawa na rin. As i remember when we are a kid like naming magsi-sayaw noon " I LIKE " pa nga yung title ng song, pano yung ate niya at ate ko magka-member. Hilig din niyang mag-turo ng sayaw tinuruan niya pa nga yung pinsan niya ng step ng " TOTOY BIBO " remember that bhest haha!! eh one time lumapit sakin ung pinsan niya nagpapaturo ng sayaw, wala na kasi siya non sa U.P siya nag-aaral, SHOCKS!!! sabi ko patay ako anong gagawin ko???? I dont know how to teach dancing!!!! eh buti na lang yung pinsan niya natatatandaan yung itinuro niya hindi nga lang lahat kaya yung iba na lang yung ginawan namin, eh kaso tanga ako non pag sinayaw ko na hindi ko na ulit matandaan, pwersado tuloy yung mga bata na matandaan agad haha, nakakahiya pero they won at ang napanalunan, wag ka 50 PESOS haha, eh kasi naman noon ang 50 PESOS malaki na para sa aming mga bata, hello kamusta ka naman last 2003 pa yun at sobrang mura pa yung mga bilihin noon. Nagtatampo nga kami non ni NYSSA ( c SAY ) kasi nung nandon siya sa U.P pag tumatawag kami akala namin ayaw niya kaming kausap, pano kasi laging sinasabi nung lola niya kesyo umalis daw, kesyo may ginagawa, kaya nung matiyempuhan namin at nakausap namin siya sinabihan niya kami na magpanggap kami na classmate niya or kapatid niya, binigyan niya pa nga kami nun ng name ng classmate niya di ko lang matandaan kung anong pangalan anyways lagi kami niyang nagkakatampuhan minsan siya yung may kasalanan pero mas laging ako kasi gago talaga ko non, siguro nabawasan lang ng mga 1/8, yung last na away namin niyan last Nov.2008, 23 yata un or 24 di ko matandaan katatapos lang nun ng 10th year anniversary namin, nagkamali pa nga ako non ng bilang kasi 11 yrs.yung nailagay ko sa sulat, don lang kami nag-aaway non, galit na galit yan sakin, halos isumpa ako niyan, kung ano-anong masasakit yung mga pinagsasabi namin, sumbat dito, sumbat doon, tapos kinabukasan lahat halos ng sulat niya kasama yung birthday card na regalo niya sakin nung birthday ko lahat yuin sinoli ko sa kanya pati yung picture namin nung JS PROM ( short from JUNIOR and SENIOR PROM ) ganon kasi ako non wala akong pakialam kung masaktan ka makitid pa kasi utak ko non. Nagdaan yung CHRISTMAS, NEW YEAR lahat halos ng OCCASION, nagpapansinan kami OO pero hindi katulad ng dati. March 14 na kami last year talagang nagpansinan, birthday yun ni NYSSA ( c SAY ) after i got seminar parang na-release lahat pati yung galit ko sa kanya and i promise na makikipagbati na talaga ko, that time ibinaba ko talaga yung pride ko wala akong pakialam kung ma-reject ako or what at least nag-try ako na mag- SORRY sa kanya. Nung kaming dalawa na lang " I say SORRY! " sa mga nasabi ko at sa mga naging kasalanan ko, ganon din siya, yun tuloy yung parang naging gift namin for NYSSA ( c SAY ) yung pagkakasundo namin tagal ring hiniling yun ni NYSSA ( c SAY ) samin kinulong nga kami nun sa bahay nila pero walang nangyari, niloko pa nga kami niyan eh " Sige nga SHAKE HANDS, hawakan nga sa TENGA ' bruha yan eh. Ang hirap din kasi na maging kagalit sila " FIRST were BESTFRIENDS for almost 12 yrs., SECOND naging part sila ng buhay ko and THIRD hindi na ko makakahanap ng mga taong katulad nila na ININTINDI at TINANGGAP ako, kung ANO AKO? at KUNG SINO AKO? Oo nga at marami ang nagsabi na nagbago na sila, eh ano naman ngayon "Di na ba sila pwedeng magbago!"Di lang kasi nila talaga ganon kakilala 'tong DALAWANG 'TO!!! Ako pansinin man nila sa hindi " Okey lang sakin! ", at least alam ko sa sarili ko na 'tong DALAWANG 'TO, minsang naging parte ng MASAYA, MAGULO at MALUNGKOT kong buhay, na ang DALAWANG 'TO ang tunay na tumanggap sakin hindi lang kung ANO AKO? at KUNG SINO AKO? dahil tinanggap nila yung buong PAGKATAO KO!! 'tong DALAWANG 'TO ang "PAHINA NG BUHAY KO!!". Madrama man sa inyo bahala kayo, ito lang kasi yung way ko para maiparamdam ko sa kanila na masaya ako at naging parte sila ng buhay ko. Wala akong RANGYA o REGALO para sa kanila ang tanging magagawa ko lang ay ang ipangalandakan sa buong mundo kung gaano ako ka- " THANKFUL " dahil nagkaron ako ng "DALAWANG 'TO!" nagkaron ako ng TUNAY at TAPAT na KAIBIGAN !!!!


" Kaya CHARLIE ( c DUDAY ) at NYSSA ( c SAY ) ,

" THANK YOU for being my TRUE FRIEND and for being TRUE even at my back, THANK YOU for accepting me for WHO I AM! Sobrang THANKFUL talaga ko to have you guy's, na kahit gago ko tinanggap niyo ko sa buhay niyo, hindi mailalarawan ng kahit ano yung pagiging THANKFUL ko to have you in my life. Sana kung dumating man yung time na magkalimutan na, mananatili kayo dito..... dito sa PUSO KO at ISIP KO aalalahanin ko lagi na minsan nagkaroon ako ng " TUNAY AT TAPAT NA MGA KAIBIGAN ". I LOVE YOU BOTH !!!


Dance With My Father – Luther Vandross

Verse 1:
Back when I was a child
Before life removed all the innocence
My father would lift me highAnd dance with my mother and me and then
Spend me around till I fell asleep
Then up the stairs he would carry me
And I knew for sure I was loved


Chorus:
If I could get another chance
Another walk, another dance with him
I’d play a song that would never ever end
How I’d love love love to dance with my father again

Verse 2:When I and my mother would disagree
To get my way I would run from her to him
He’d make me laugh just to comfort me(yeah, yeah)
Then finally make me do just what my momma said
Later that night, when I was asleep
He left a dollar under my sheet
Never dreamed that he would be gone from me


Chorus:
If I could steal One final glance
One final step
One final dance with him
I’d play a song that would never ever end
Cause I’d love love love to dance with my father again

Verse 3:
Sometimes I’d listen outside her door
I’d hear how my mother cried for him
(2x) I’d pray for her even more than me

I know I’m praying for much too much
But could you send back the only man she loved
I know you don’t do it usually
But dear Lord she’ s dying to dance with my father again

Every night I fall asleep
And this is all I ever dream


 
Daddy's Girl

To my One and Only DAD!!

Dear Papa,

Its been 9 years mula ng mawala ka pero hinahanap ko parin yung mga yakap at paglalambing mo sa amin, yun lang naman sana ang wish ko this 20th birthday ko yung mayakap mo ulet ako kahit isang segundo lang, yung masasabe kong kahit sa huling pagkakataon mararamdaman kong may tatay parin ako. Alam kong mahirap yung gusto ko pero sa bawat taon na wala ka yun lang yung laging hiling ko na sana kahit sa panaginip mayakap kita ulet pero 2 years mo na kong hindi napupuntahan o nadadalaw man lang pero ito ako nagaantay parin sayo na kahit sa panaginip lang dalawin mo ulet ako, kahit alam kong this past few days dinadalaw mo si mama lalo na pag may problema xa. Mis na mis na kita papa kahit hindi naman halata. Minsan naiisip ko ano kayang buhay meron kame kung andito ka pa at kasama namin although hindi ko naman po ikinakahiya ung buhay na ibinigay ni mama samin ngaun ang sa akin lang ano kayang feeling na andito ka pa at gina-guide kame sa lahat ng mga hakbang na gagawin namin. Sobrang mis na mis na kita papa may mga times na umiiyak na lang ako kasi namimis na kita ng sobra. Alam ko darating ang panahon na minsan makakalimutan na kita pero mangyari man yon alam ko na mananatiling nasa puso at isip kita. I will never forget those memories with u papa, i will treasure it, at one day masasabi ko sa sarili ko na i have a wonderful dad like u na gagawin ang lahat mabuhay lang at mapag-aral kami. Gusto ko na manatili sa alaala ko lahat ng mga yon magkaron man ako ng sarili kong pamilya maikukuwento ko sa kanila na minsan may isang tao na handang magsakripisyo para sa amin na kahit hirap na hirap na xa sa sakit niya hindi niya magawang sumuko at bumitaw sa pag-asang gagaling xa para lang masubaybayang lumaki ang mga anak niya at mabigyan ito ng magandang buhay. Im so proud to have you as my DAD and im proud also to have MAMA as my mom. Im willing to wait maramdaman ko lang ulet ung init ng yakap mo sakin. I LOVE YOU SO MUCH PAPA. SEE YOU SOON.

Your Sanggol,

CHIC_CHIC.
chickie

Monday, December 5, 2011

- Best Bonding Ever With my Childhood Barkada! Slideshow Slideshow

- Best Bonding Ever With my Childhood Barkada! Slideshow Slideshow: TripAdvisor™ TripWow ★ - Best Bonding Ever With my Childhood Barkada! Slideshow Slideshow ★ to North Fairview (near Quezon City) and Caloocan City (near Caloocan). Stunning free travel slideshows on TripAdvisor

Tuesday, June 14, 2011

That;s what friends are for!!

And I never thought I'd feel this way
And as far as I'm concerned
I'm glad I got the chance to say
That I do believe I love you

And if I should ever go away
Well, then close your eyes and try to feel
The way we do today
And then if you can remember

Keep smilin', keep shinin'
Knowin' you can always count on me, for sure
That's what friends are for
For good times and bad times
I'll be on your side forever more
That's what friends are for

Well, you came and opened me
And now there's so much more I see
And so by the way I thank you

Whoa, and then for the times when we're apart
Well, then close your eyes and know
These words are comin' from my heart
And then if you can remember, oh

Keep smiling, keep shining
Knowing you can always count on me, for sure
That's what friends are for
In good times, in bad times
I'll be on your side forever more
Oh, that's what friends are for

Whoa... oh... oh... keep smilin', keep shinin'
Knowin' you can always count on me, for sure
That's what friends are for
For good times and bad times
I'll be on your side forever more
That's what friends are for

Keep smilin', keep shinin'
Knowin' you can always count on me, oh, for sure
'Cause I tell you that's what friends are for
For good times and for bad times
I'll be on your side forever more
That's what friends are for (That's what friends are for)

On me, for sure
That's what friends are for
Keep smilin', keep shinin'

our theme song!!!

Run away

Say it’s true, there’s nothing like me and you
I’m not alone, tell me you feel it too
And I would run away
I would run away, yeah…, yeah
I would run away
I would run away with you
Cause I am falling in love with you
No never I’m never gonna stop
Falling in love with you
Close the door, lay down upon the floor
And by candlelight, make love to me through the night
(through the night, through the night…)
Cause I have run away
I have run away, yeah…, yeah
I have run away, run away
I have run away with you
Cause I am falling in love (falling in love) with you
No never I’m never gonna stop
Falling in love with you…
With you…
And I would runaway
I would runaway, yeah…, yeah
I would runaway (runaway)
I would runaway with you
Cause I am falling in love (falling in love) with you
No never I’m never gonna stop
Falling in love with you…
Falling in love (falling in love) with you
No never I’m never gonna stop falling in love with you
With you, my love, with you…
na ni na ni na na…
(With you, with you, with you, with you)

If Ever You’re In My Arms Again

It all came so easy
All the lovin’ you gave me
The feelings we shared
And I still can remember
How you touched me so tender
You told me you cared
We had a once in a lifetime
But I just didn’t see until it was gone
A second once in a lifetime
Maybe too much to ask but I swear from now on…
If ever you’re in my arms again
This time I’ll love you much better
If ever you’re in my arms again
This time I’ll hold you forever
This time we’ll never end, ooh…ooh
Now I’m seein’ clearly
How I still need you near me
I still love you so
There’s something between us
That won’t ever leave us
There’s no letting go
We had a once in a lifetime
But I just didn’t know it till my life fell apart
A second once in a lifetime
Isn’t too much to ask ’cause I swear from the heart…
If ever you’re in my arms again
This time I’ll love you much better
If ever you’re in my arms again
This time I’ll hold you forever
This time we’ll never end
Never end
The best of romances
Deserves second chances
I’ll get to you somehow
`Cause I promise now…
If ever you’re in my arms again
This time I’ll love you much better
If ever you’re in my arms again
This time I’ll hold you forever
This time we’ll never end
If ever you’re in my arms again
This time I’ll love you much better
If ever you’re in my arms again
This time I’ll hold you forever
This time we’ll never end
If ever you’re in my arms again
This time I’ll love you much better
If ever you’re in my arms again
This time I’ll hold you forever
This time we’ll never end

my favorite song when i was 11 years old!!

Monday, June 6, 2011

HOLY INFANT CURSILLO TEAM!!! .... here i come!!

June 02, 2011


super excited ako dahil Cursillo na... its time to serve GOD!!!
infact si bhest 3 pa lang ng hapon naligo na.. excited narin xa!!
ka-text ko pa nga si Issah to ask wats going on at the seminar hall..


6 pm na kami umalis dito non! infact kasabay pa namen sila tita Zeny mama ni bhest with her siblings..
and then sinundo namin si Jheng..


7:30 kami dumating sa Cursillo.. napagkamalan pa nga akong candidate nung bagong graduate na si Sister Maricel haha... aun super assist kami ng bongga.

As a Vice Rectora aun ligo na ko don infact don pa ko dinatnan ng menstruation ko kaya super badtrip ako kasi ang sakit ng puson ko!! inom na ko ng gamot ko! aun start na ang opening nagulat pa mg candidate ko kasi Vice Rectora nga ako..sayawan,kantahan aun tapos meeting for the katungkulan..tpos tulugan na!!!

Saturday, May 28, 2011

Dakilang Papa's Girl!!!

Hindi ko malilimutan ang mga panahong kasama namen c Papa,mga panahong kaysaya pero hindi na mauulit pa!

Sabi ni Mama ako daw ang "Dakilang Papa's girl" kasi once na magkasakit na raw ako hindi na siya nakakapasok,ayaw ko na raw kasi bumitaw sa kanya na siyang madalas ikinagagalit ng tito ko.Madalas na lagi raw sinasabe ni tito noon na "Doktor, ka ba at hindi ka na papasok pag nagkakasakit na yang anak mo! Ang sabi ni mama pag ganyang kinagagalitan na si papa ni tito hindi na raw ito sumasagot bagkus kibit balikat na lang daw c papa, lumaki daw kasi si papa na may respeto sa nakakatanda sa kanya na siya ring ipinamulat nia samin.Dala siguro ng pagiging istrikto niala lola at lolo lumaking istrikto rin si papa, madalas raw noon na ang tita tarcila ang paghigpitan niya nagiisang babae kasi ang tita kaya sobrang higpit niya kung ang lolo at lola raw eh may lusot ang tita kay papa raw ay wala, nalalaman daw kasi lahat ni papa ang mga kabulastugan ni tita na siyang lagi nilang pinagtatalunan hanggang sa pagtanda nila.

Second family kami ni papa, legal separated si papa kay nanay solly ( unang asawa niya ) kaya granted na magpakasal sila ni mama dalawang beses pa, isa sa huwes at isa sa simbahan.Napunta sa pangangalaga ni papa at ni mama ang mga anak ni papa sila Kuya Jonas at Ate Joana ang bunso naman na si Ate Juvie ay napunta sa nanay nila.Tatlong taon bago nagkaaanak sila mama at papa pero sunod-sunod naman sila Ate Dheng, Ate Nene at Ate Ana.Parehong nagtatrabaho sila mama at papa non, si mama sa opisina at si papa naman ay isang driver , dahil sa pagtatrabaho ni mama nakatapos si papa ng kursong Mechanical Engineering, anim na taon ang lumipas bago nasundan si Ate Ana ako na ang baby non ang "Dakilang Papa's Girl" sumunod sakin si coycoy at huli ay si remrem, anim kaming magkakapatid kay mama.Lumaki kaming close kay Kuya Jonas at Ate Joana except ke Ate Juvie na hindi namin nakasama.Kinamulatan namin ang pagiging istrikto ni papa at ni mama, marunong rumespeto sa nakakatanda at may takot sa Diyos.Kay papa ako natutong magluto kasi nung maliliit kami ang bonding namin ay ang pagluluto pag nagluluto kasi si papa isa-isa niya kaming kinakarga at tinuturan kung pano maghalo masarap kasi magluto si mama at papa na namana rin namin, hindi lang kami busog sa pagkain, busog rin kami sa pagmamahal mula sa kanila.

Taong 2002 ng malaking dagok ang  dumating sa amin, naging masasakitin na si papa madalas inaatake siya sa puso, hindi na rin siya nakakapagtrabaho.Naranasan naming kumain ng kamoteng kahoy sa loob ng isang linggo sapat lang kasi ang kinkita ni mama pambili ng gamot ni papa ang sabi niya noon sa amin " makakain lang daw namin ang gusto naming kainin pag gumaling si papa".Mas naging istrikto si papa at magagalitin ipinaranas niya samin ang kamay na bakal ng mga panahong yon, madalas kasi wala si mama kaya kami ang naiiwan kay papa.
Isang pagsubok na naman ang dumating sa amin isinugod si papa sa EAST AVENUE, naiwan kaming lahat sa bahay na nagaalala 18 lang si Ate Dheng non siya ang panganay at siya ang naiwan sa amin.Alas dose ng hating gabi dumating sila Tita Beth kapatid ni mama sinusundo kami naitawag na pala ni mama ang nangyari sa kay papa.Dinala nila kami sa Laguna dun sa bahay nila dun muna daw kami habang nasa ospital pa sila mama. 3 weeks din ang itinigil nila mama sa ospital bago sila pumunta sa Laguna tinawagan pa nga nila kame ng araw na un sinorpresa pa kami nung dumating sila, payat na si papa paralisado rin yung kanang kamay nia sabe ni mama dala daw  yun ng pagpasok ng tubo sa bituka ni papa na hindi niya nakayanan.Later on nadiskubre naming lahat na hindi basta Colon Cancer ang sakit ni papa nabarang daw ito at ang masakit pa kasamahan nila sa simbahan ang gumawa non natanggal naman ito ng albularyo na tumingin kay papa. April 28, 2002 birthday ni remrem tinreat kami ni Tita Thelma sa isang beach sa Naic Cavite kami nag-swimming si papa pa nga ang nagdrive pero nakaalalay naman si Tito Jun asawa ni Tita Beth,binilan pa nga kami ni tita non ng mga damit na iniyakan ni papa aniya" Alam niya raw na may magaaruga daw sa amin pag iniwan niya na kami!" biglang tumalikod non sila Tita Beth at Tita Thelma naiyak sila kay papa dahil sa awa, si mama naman sinaway si papa. Kasalukuyan kaming nageenjoy sa pagsu-swimming ng lapitan kami ni Tita Beth nagsuka raw kasi si papa at kelangan na naming umuwi. Nagtagal pa kami ng ilang araw sa Laguna bago nagpasiyang umuwi si papa pinabaunan pa nga kami nila tita ng budget namin, masaya kaming umuwi ng bahay ang hindi namin alam isa pang pagsubok ang dadanasin namin.
Buwan ng Agosto ng muling manghina si papa halos araw-araw na siya kung atakihin sa puso dahil dito mas lalo siyang naging magagalitin,lagi na siyang nakasigaw, konting kibot napapalo niya kami, kasabay ng pagdagundong ng kung anong bagay na nahawakan niya at ibinato.Lahat kami takot pero inintindi namin kasi yun ang bilin ni mama may sakit lang daw si papa kaya ganon, si mama lahat ginawa niya para matustusan yung mga gastusin namin nandiyang naglabandera siya,naglinis ng bahay ng kung sino-sino para lang ay maiuwi xang pera na pambili namin ng pagkain at gamot ni papa tiniis ni mama lahat para mabuhay kami, tumulong kami nagipon kami ng mga maaring ibenta sa junk shop ung baon namin ibinibili namin un ng tinapay para kay papa makabawas man lang sa suliranin ni mama.

August 26, 2002 

Nang biglang nagdatingan sa bahay ang tatlong kapatid ni mama sila Tito Ric ang panganay, si Tita Thelma at Tita Beth kasama nila yung mga pinsan namin, marami silang dalang pagkain na kakasya ng isang buwan biglang nagsalita si papa " Ay salamat kuya, ate hindi na mahihirapan si Leth niyan!". Masaya si papa ng araw na yon hindi mo siya kakikitaan ng paghihirap sa mukha, maya-maya nagpabili si Tito Ric ng balot paborito daw kasi ito ni papa pero hindi niya na kinakain kasi bawal nga, "Nick halika at saluhan mo ko dito sa balot di ba paborito mo to! alok ni tito " sige kuya at baka hindi ko na matikman yan! nakangiting saad ni papa, hindi naituloy ni tito yung pagkain niya bagkus tumayo ito at tumalikod tahimik na umiyak malapit kasi si papa sa mga kapatid ni mama daig pa nila ang tunay na magkakapatid kaya hirap din sila na nagpapahiwatig si papa. Kinagabihan inutusan ako ni papa na dalhan sila Tatay Carding ng tatlong kilong bigas aniya mas maganda raw ang nagbibigay kesa sa ikaw ang binibigyan na tila sinamantala ng isa sa manugang ni Tatay Carding umakyat pa ito sa bahay at nanghihingi rin ng bigas " Ano ka ba naman Ada ako itong may sakit ako pa itong hinihingan niyo! bulyaw ni papa sa kanya sabya pasok naman ng Tita ko " Nick,Nick sabihin mo nga riyan ke nanay kunin ka na! "Lumayas ka dito Tarcila wag mo kong binubwisit! masakit para samin lalo na para kay mama na pinapatay na si papa ng kapatid niya to think na wala naman silang naitulong.

August 27,2002 

Hindi alam ni mama kung bakit biglang nanghina si papa hindi na 'to makatayo kung hindi bubuhatin ni mama,mahirap pero kinaya ni mama mula sa pagpapaligo, pagpapakain kay papa ,pati sa pagdumi dad is the reason why mama remain to be strong, hindi niya pinapakita na nahihirapan siya all she wants to do is to serve papa well.

August 28,2002 

Nasa kwarto kaming lahat nagtatawanan pinapasaya namin si papa nagpakarga siya saming lahat hinalikan kami at niyakap c Ate Nene ang last na nagbuhat kay papa kasabay ng paghingi ni papa ng tawad  sa lahat ng nagawa nito sa kanya tango ang naging sagot ni ate kay papa bilang pagtanggap niya.

August 29,2002

Dumating si Father Ramon sa bahay kasama ni mama, sabe ni mama mangungumpisal daw si papa. Nagkulong sila sa kwarto kami naman nasa sala tahimik ingat na ingat gumawa ng ingay na makakaistorbo sa kanila tumagal ng halos apat na oras ang pangungumpisal ni papa lumabas si Father Ramon na namumula ang mata naging matalik na kaibigan kasi ito ni papa binasbasan niya kami ng holy water bago siya umalis.Nagkulong din sila mama sa kwarto nagrosaryo silang dalawa ni papa kasabay ng pagbabalik tanaw nung unang silang magkita, binulungan ni mama si papa " ddy ( short from Daddy ) magpahinga ka na, panatag na ko,wag mo kaming intindihin ng mga anak mo itataguyod ko sila para sayo!" mga katagang binitawan ni mama para kay papa. Alas siyete ng gabi inutusan ako ni mama na tawagin si Kuya Noel kaibigan ni papa " Pare ikaw ng bahala tumingin sa mag-iina ko!" Ano ka ba Pareng Nick hindi ka pa mawawala. Sandali at dadalin ka na min sa ospital! kasabay ng pagtalikod ni Kuya Noel ay ang pagsuka ni papa ng isang palangganang giniling na damo don namin nalaman na ibinalik ng bumarang kay papa ang sakit niya, inutusan ulit kami ni mama tawagin daw namin si Uncle Tito kaibigan din ni papa it took me and Ate Nene 30 minutes bago kami nakauwi, wala na si papa ng makauwi kami , ni hindi namin siya nakitang nalagutan ng hininga namatay siyang sumusunod kami sa utos nia! Hanggang sa huli pinakita ni mama ang pagmamahal niya kay papa si mama ang nagbuhat sa kanya pasakay ng stretcher pati ang pagpapaligo at pagbibihis kay papa pero ang hindi kinaya ni mama ay ang makitang inilalagay na si papa sa kabaong hinimatay si mama hindi niya kayang saksihan na wala na talaga si papa na hindi na talaga ito babalik.Hindi umiiyak si mama hanggang sa burol pero panay ang himatay niya ako ang laging nasa likod niya ng mga panahong yon ayaw ko siyang iwan kasi baka mapano si mama pinipilit niyang maging matatag dahil sa amin hanggang libing ni papa hindi parin umiiyak si mama nananataling malakas kahit kabiyak ng puso niya yung ililibing sa pagpanaw ni papa.
Namatay si papa ng hindi ko nasasabing mahal na mahal ko siya na walang makahihigit sa kanya . Mom and him is my idol, wen it comes to love that they showed us,the strenght that they build up and the power who remain!

To my One and Only Dad!!!

       i love you so much papa! i know na hindi ko yon nasabi sayo nung nabubuhay ka pa pero mahal na mahal kita the only thing is for sure im proud to be your daughter, im proud that your my dad my one and only dad! gabayan niyo po kaming lahat esp.si mama i know that you love her so much!! i love you papa, see you soon!!!


                                                                                                                 Love,
                                                                                                                           Chic!

Thursday, May 26, 2011

Nang dahil sa " TALONG"

aun okey na kame ni bhest..... yahooo!!!!
finally  wala na xang topak per she said she has a little bit topak!!!
ahahahahahah.....

sa buong maghapon tawa lang kame ng tawa!
pano ung kapitbahay namen dito daig pa namen ang babiyahe pa-Blumentrit....
kung kelan kase nagpapatugtog kame sumabay pa cla with matching videoke pa!! 

 ako ang cook for tonight... nagtong it kc cla until now dpa tapos nahinto lang kc kumaen kame...
"Tortang Talong" ang ulam namen... yum yum....
and for the finals ako na naman ang nahuli!!
may moments pa nga kame ni bhest while im cooking..tawa lang kame ng tawa..
kinukulit pa ko ng bongga sabe ko" buti wala ka ng topak??
Charlie: hindi pa nga eh!
Ako: huh?? aux ka ahh halos isang linggo na yang topak mo kulang pa din??? (with matching amba ng talong! )
Charlie: ano ka hindi pa isang linggo un no!! sabay tawa!
Ako: ewan ko sau bhest ang hirap mo espelengin!!
end of story!!!

aun super tawa na naman kame ng bongga!! teka may pahabol pa pala!!

habang nagbabalat ako ng inihaw na "Talong"

Charlie: need help? tulungan na kita jan??
Ako: ( umiling )
Charlie: weh?? pramis??
Ako: ( tumingin ) kelangan makulet??
Charlie: oo na nga po eh! buti nagkasaya ung itlog?? ( tanong nia nung nabalatan ko na lahat ung talong)
Ako: yup! pinagkasya ko ehh!!
tapos biglang umalis...


few minutes later biglang bumalik tinambayan nila akong magkapatid tapos tawa lang kame nga tawa! magagaling lang kame sa mga kalokohan!!
then ipinasya kong igisa na lang ung last na talong para sa ulam ng minamahal naming c Cha-cha ( aso xa para lang tao) nakapaghiwa na ko non ng sibuyas tapos hinarap ko ung last two na piniprito ko biglang lumapit c Charlie

Charlie: hala hindi mo hinalo 'tong sibuyas??  histerikal kagad kelangan ganon ang bungad.
Ako:bago na po yan madam!
Charlie: ano yan para sa sawsawan??
Ako: opo!
tapos biglang umalis... super gisa na ko ng Talong non ng bigla na naman xang lumapit
Charlie: ako ng bahala sa sawsawan!! para kanino yang ginigisa mo??
Ako: ke Cha-cha!
Charlie: talagang kelangan may sariling ulam??
Ako: tama! tig-iisa kaya tayo don!!! alam mo naman un choosy pa!!
tapos ayon tapos na naghain na ko ng pagkain! tapos hinugasan ko na lahat ng ginamet ko!! natawa pa nga ko ke Cathy non eh
Cathy:para kanino yan?? tanong nia dun sa ulam ni Cha-cha
Ako:para kanino pa edi kay Cha-cha!
Cathy:walang hiya mas masarap pa ung sa hayop kesa sa tao! habang tinitikman ung ulam ni Cha-cha!!
tawanan kagad dahil don!siraulo kasi 'tong c Cathy ehh kung ano-ano naiisip!! 
chibugan na ang kasunod tapos and the winner is walang iba kundi AKO! lage naman kasi akong huli pag kainan na!!tapos continues ang mahiwagang pampalipas oras walang iba kundi ang TONG IT!!

ayon sabe ko sa inyo ng dahil lang sa "TALONG" ok na kame!!

Wednesday, May 25, 2011

GLAD!!!

happy and contented now kc ok na kame ng bestfriend kong c Charlie!!
grabe ahh... 4 days nia kong hindi kinausap and then wen i asked her if galit xa....
isang ngiting nakakaloko ang matinding sagot nia sa akin....
grabe talaga c bhest ang hirap na basahin!! tsk..tsk...
but im happy now kc wala na xang topak...


tomorrow is our bestfriend Nyssa's graduation..
ayon hnd pa xa nagpaparamdam samin...
tsk..tsk...sana magparamdam na malapet na ang CURSILLO hindi pwedeng umatras xa..tsk..tsk
hindi sasama c Charlie non.. eh sanggang dikit pa naman sila..
pag ayaw ng isa, wala na!!!


but i really,really love this two !!
thank you for 12 years of friendship!!!
I LOVE YOU BOTH!!

Saturday, February 5, 2011

my life!

" it's easy to forgive but it's hard to forget!


hmmmnnn......
im Lovely-Grace Ricafort Jolejole
ang bunsong babae ng pamilya.....
maingay pero masarap kasama...
mapagmahal sa mga kaibigan specially sa pamilya...


naaalala ko pa non kwento ni mama ako daw ang dakilang papa's girl sa pamilya kase pag nagkakasakit na ko wala akong ibang sinasamahan kundi ang papa ko kaya tuloy minsan di na nakakapasok sa trabaho haha....




likes ang mga kids...pero ayoko pang magkaron...
reader ng pocketbooks at madaling kiligin sa mga loveteam....


im a simple girl with a simple dreams...
ang makatapos at makatulong sa pamilya...
simpleng tao,simpleng manamit,simpleng mangarap...
a good advice'r which is hindi ko alam kung panong nangyari...




mas gusto kong bonding ang usapan at ang chibugan...
getting to know each other baga..haha...
hindi basta nagbibitaw ng pera kung hindi naman mahalaga yung pagkakagastusan...
hindi rin basta nagbibitaw ng salita kung hindi ko pa napagiisipan ng isang milyong beses.kung alam kong may masasaktan ako bakit ko pa sasabihin...


mukang drinker pero hindi talaga....
mukang gala pero pag pinayagan lang....


likes ang writing and compilation ng mga bagay ng nakaraan....


mahilig sa diary.....


hindi mo ko pwedeng istorbohin kung nagsusulat ako kasi minsan nawawala na sa isip ko ung tamang rhyme ng mga salita...


laging may nakatabing notebook at ballpen kahit sa pagtulog just in case na may maisip akong isulat....


mahilig sa mga tagalog na malalalim....
and thats it mas napagtutuunan ko ng pansin ang mga tagalog words....


i want a friend who accept me for who i am???
yung handang bumaba kahit gaano pa xa kataas para lang mapantayan ako....


ma-treasure akong tao kung cnong mamahalin mo mamahalin ko rin...
madaling magtiwala pero pag un nawala kailanman hindi mo na mahahanapan ng paran kung pano maibabalik pa...


never papayag na isa man sa pamilya ko at mga kaibigan ko ang kakantiin ng kahit sino dahil kahit sila ang kahinaan ko pipilitin kong maging malakas para ipaglaban cla hanggang wakas...


yan ako pero marami pa kayong hindi alam.....